thesis
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
I. Ang Suliranin at ang Saligang Pag-aaral Nito 1
a. Panimula/Introduksyon 1
b. Pagpapahayag ng mga Suliranin 2
c. Pagpapahayg ng mga Layunin ng Pag-aaral 2
d. Kahalagahan ng pag-aaral 2
e. Definisyon ng mga Katawagan 3
II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 3
III. Mga Pamamaraan at Paraan ng Pangangalap 4
a. Deskripsyon ng pinagmulan ng datos at sample 4
b. Sabjek 4
c. Paglalarawan ng Instrumentong Kagamitan 5
d. Pag-iipon ng Datos 5
e. Estatikong Pagtrato 5
IV. Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos 5-7
V. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon 7
a. Buod 7
b. Kongklusyon 8
c. Rekomendasyon 9
BIBLIOGRAPIYA 10
APPENDIKS 11
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT ANG SALIGANG PAG-AARAL NITO
PANIMULA
Sa nakalipas na panahon, ang pagkahilig nating mga Pilipino sa edukasyon ay unti-unti ng bumababasa kasalukuyan. Sa ngayo’y alam nating lahat na isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap n gating bansa ang tungkol sa edukasyon. Bakit? Dahil ayon sa mga guro ilan sa mga mabubuti na tayo’y kailangan mamili sa mataas na presyo at ang iba ay tungkol sa bayaran ng matrikula, dagdagan pa ang ugaling lakas na loob ng pagpapaliban sa klase ng karamihan estudyante sa sekondarya.
Paano mahahadlangan ng gobyerno ang mga problemang ito sa edukasyon? Bakit o kung bakit ang pamahalaan maaring gumawa ng libreng eskwelahan para sa mahihirap? Bakit ang gayong uri ng estyudyante ng sekondarya ay gumagawa ng pagpaliban sa klase.
Ang pagpapaliban sa klase ay problema nang hanay sa edukasyon na nananawagan para sa katiyakan at pagpayo upang matulungan ang mga estudyante na maayos ang kanilang sarili para sa kahilingan at ang kapaligiran ng paaralan; upang tulungan sila na pumili nang mahusay na layunin sa edukasyon na programa para sa kanilang abilidad at kakayahan. Ang mga estudyante kailangang tulungan na madevelop ang nakanais- nais na pag-aaral at kaugalian upang sila ay magsikap sa pag-buo ng kanais nais na abilidad at kapasidad. Ang mga ito’y nakakatulong uapng ang bawat isa’y maaaring tulungan na mabuhay ng mabuti, matapat, mapakinabangan at masayang buhay ayon sa kanyang katangian at kagustuhan, at upang ayusin ang kanyang sarili ng tama para sa kanyang sarili at sa iba. Ang pag-aaral ng maayos ay lubos na napakahalaga sa bawat isa upang matamo ang karunungn, kahusayan at kilos na naaayon sa tama at katiyakan.
Itong sulatin na ito maaaring subukin na ipakahulugan ang paksa sa pinakalimitadong paraan na manatiling kailangang-kailangan para sa araw-araw.
PAGPAPAPAHAYAG NG MGA SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay maaaring subukin at tangkain na ibigay ang madali at maayos na mag-aalisa ng estudyante sa paggawa ng pagpapaliban sa klase. Ang pananaliksik ay tatangkain na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
a. Ano ang kadahilananng pagpapaliban ng mga estudyante sa kanilang klase?
b. Paano ang problemang ito malutas?
c. Maari ang problemang ito’y makaapekto sa mga pagtupad ng mga tungkulin at gampanin ng mga estudyante?
PAGPAPAHAYAG NG LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay may layuning maisagawa ang mga sumusunod:
Una, upang pahinahin ang loob ng mga estudyante na hindi ugaliin o gawin ang pagpapaliban sa klase.
Ang mga guro dapat ipatupad ang uri ng disiplinang dapat isagawa sa mga estudyanteng lumiliban sa klase.
Ipaalam sa mga estudyante ang sinumang gumawa nito maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang perpormasyon sa kanilang pag-aaral.
Turuan ang mga estudyante na ang pagpapaliban sa klase ay maling gawain na maaaring mabigyan ng alternatibong solusyon.
At ang huli’y himukin ang mga estudyante sa mabuti at maayos at responsableng pamaraan sa pag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ito ay binibigyang-diin na ang pagpapaliban sa klase ay nagpapalubha sa masamang kondisyon ng mga estudyanteng nagsasanay dito. Ang pag-aaral na ito ay siyang ginawa para sa mga estudyante, maunawaan ng mabuti paano ang problema makaapekto sa bawat estudyante. Ang mga guro at mga magulang maaring makatulong sa bawat isa na maresolba ang problema.
Ang mananaliksik nag-aalaala sa mga estudyante na ilagay at bigyang pansin ang kahalagahan ng edukasyon. Ito’y nagbigay sa kanila ng kasiyahan, kapayapaan at inspirasyon sa kanilang pag-aaral kapag iwasan nila ang kasong tulag nito.
DEFINISYON SA MGA KATAWAGAN
Cutting Classes- isang gawain ng mga estudyante para ipagpatuloy ang sesyon sa klase na ibinigay na hindi tinutupad ng mag-aaral bagkus sila’y hindi na pamupasok kahit may klase pa.
Estudyante- isang indibidwal na nag-aaral sa isang paaralang pang-edukasyon.
High School- sekondaryang pag-aaral, baiting pagkatapos ng elementarya o bago ng kolehiyo.
Klase- isang sesyon ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan
Curriculum- isang hanay ng mga sabjeks o ang pagbabatayan sa pag-aaral ng mga mag-aaral
Guro- isang taong huhubog sa intelektwal na kakayahan kasama rin ang moral na kilos
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay nakukuha mula sa iba’t ibang libro at literature. Samakatuwid, sa pahinang ito makikita at mababanggit ang ilan sa kanilang mga nagawa na may kaugnay sa pag-aaral.
Sa ilang porsyon ni A.A. Robach sa kanyang “Psychology of character” kaugnay sa edukasyon. Sa kanyang pahayag: “Ang pagpapaliban sa klase ay hindi sinasadya rekasyon ng estudyante pero ugat sa problemang psaykolohikal na ang kanyang sarili ay ang tanging nakakaalay nito.”
Pero sa pananaliksik, ang libro ni M.V. Sengoe sa kanyang Educational Psychology na kanyang nilalahad, “Ang pag-iwas o pagputol sa klase ng estudyante ay maraming kadahilanan na naiugnay na isa rito ay ang pagkairesponsable ng isang guro.”
Mababasa rin sa artikulo ni J.M. Best pinamagatang Educational Research: An Introduction na magpagulo sa personal at psaykolohikal na problema ng estudyante sa palagi gumawea ng pagpapaliban o paghinto sa klase.
Sa karagdagang pagsusuri ng literature, mababasa sa artikulo na isinulat ni Gen. L.F. Cain na nagsasabi: “ang pagpaliban sa klase ay hindi aksidente pero nangunguna sa seryosong problema ng eskwelahan na maaaring pasamain ang interes ng estudyante sa kanilang kanya-kanyang asignatura o pag-aaral.”
Sa libro din ni L.M. Terman na nagsasabing mental and physical Traits sa isang libong matatalinong bata, Genetic Studies of Genuis, Vol. 1 taong 1925 na binigyang atensyon ng mga guro tungkol sa pag-iwas nang pagpapahina ng loob/pag-uugali ng ilang estudyante para sa pagpapaliban ng klase araw-araw.
KABANATA III
ANG PAMARAAN AT PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
Descripsyon ng Pinagmulan ng Datos at Sample
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga palatanungan at interbyu. Kumalap din ng mga datos at impormasyon sa iba’t ibang silid-aklatan na makikita sa Metro Manila tulad ng Phil. National Library. Ang mga sipi at literature ay kinalap din ng mananalik sa iba’t ibang personalidad.
SABJEK
Ang mananaliksik ay pumili ng dalawangpung tao bilang kanyang respondents na kanyang pinili sa iba’t ibang seksyon sa ika apat na taon sa Mataas na Paaralang Lakan Dula. Ang dahilan ng hindi pagkakasunod ng pagpili ay upang makakuha ng totoo at makatarungang respondents na makapagbibigay ng kanilang persepyon sa problema.
PAGLALARAWAN NG INSTRUMENTONG KAGAMITAN
Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik ay mga palatanungan na kailangang sagutan ng mga respondents. Ang palatanungan ay ginawa ng “close ended format” para sa direktang masagutan ng respondents
PAG-IIPON NG DATOS
Pagkatapos makapili ng mga respondent, ang mananaliksik ay sinubukang humingi ng tulong sa kanila at kung maaari silang maglaan ng kaunting oras. Bukas ang loob naming nakipagtulungan ang mga respondents sa pamamagitan ng pagsagot sa mga palatanungan.
ESTATISTIKANG PAGTRATO
Sinuri ng mananaliksik ang datos sa pamamagitan ng paggamit ng percentage method o pag-aanalisa ng isang parte hanggang sa kabuuan
Percentage(%) = frequency/no. of respondents
KABANATA IV
PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Halos kalahati o 55% ng sumagot ay nakikita an gang pagliban o pagputol sa klase na isang bisyong mahirap tanggalin samantala kakaunting 5% nito’y naniniwala na ito’y isang libangan o katuwaan lamang
Sa madaling salita, naniniwala ang nakakarami na ang pagliban sa klase ng sinasadya ay nagiging isa ng bisyo na hindi mapipigilan bagkus magpapatuloy pang muli’t muli.
Humigit kalahati o 60% ng sumagot ay naniniwalang ang dapat sisihin sa ganitong problema ay ang mga estudyante mismo at walang pumili sa mga magulang at paaralan na dapat sisihin sa ganitong problema.
Maliwanag na pinapakita na ang mga estudyante o sila mismo ang puno’t dulo ng problema. Nasa kanilang mga kamay kung ito’y sosolusyonan o patuloy sa maling gawain.
45% ng mga respondent ay naniniwalang ang cutting class ay magdudulot ng masamang epekto sa kanilang grado at halus walang naniniwala n gang pagputol sa klase ay maaaring magdulot ng pagkatanggal sa eskwelahan.
Pinapakita nito na alam ng mga respondent na masama ang dulot nito ngunit tila bagang wala silang pakialam ukol ditto.
Karamihan o 40% ng mga respondent ay naniniwalang ang karampatang solusyon sa ganitong problema ay ang pagiging mahigpit na seguridad ng paaralan at ang pinakamakonting porsyento 15% ay na naniniwlang nasa kamay ng mga magulang ang solusyon sa problema.
Mahihinuha rito na naniniwla silang kung matibay at bukas mata ang seguridad sa pagpapalabas sa paaralan ng mga estudyanteng hindi pa tapos ang sesyon ng pag-aaral ay walang mangyayaring cutting classes.
KABANATA V
BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
BUOD
Sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano matutupad ang pahayag na ito ni Dr. Jose Rizal kung ang mga mag-aaral ay nawawalan na nang ganang mag-aral. Natutuon ang kanilang isipan sa mga bagay na hindi makatutulong sa paghubog sa kanilang sarili. Ang mga magulang ang tagapaghubog sa kanilang mga ank ngunit paano nila ito maisasagawa kung sa sariling tahanan ay may suliraning nagaganap. Ang mga guro na huhubog sa moral at mental na kakayahan ng bawat estudyante ay siya pang nagbibigay ng lakas ng loob na takasan sila ng kanilang mga estudyante at siya lamang pagbabalewala sa ganitong problema.
Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang ilan sa kadahilanan ng pagliban o pagputol sa klase ng mga ika-apat na taon sa Mataas na Paaralang Lakan Dula. Tulad ng kawalan ng interes, mental inability, inferiority complex, pagpapasyal sa mga malls at paglalaro ng mga computer games. Nakalahad din dito ang ilang mga solusyon sa paglutas sa ganitong kalalang problema. Kasama rin ang ilang pag-unawa sa paglaban o pagputol sa klase at higit sa lahat ang masamang idudulot kapag hindi nabigyan ng karampatang solusyon hindi lamang sa mga estudyante bagkus sa paaralan, guto at magulang nito.
Sa banding huli ipinalalagay na may malaking pananagutan ang mga magulang, mag-aaral at ang mga opisyal ng paaralan sa pagsimula at pagwawakas ng ganitong uri ng suliranin.
KONGKLUSYON
Ang pagpapaliban o cutting classes ay isang uri ng sakit sa ugali ng estudyante, asal, hangad at pagkatao higit sa lahat. Ang katotohanan, ito ay sibolo ng hindi tapat, hindi nasiyahan, at kulang sa sariling pagmamahal. Ito ay nagpapahayag nang walang interest para sa mga mag-aaral sa dako ng asignatura o sa dako ng mga guro. Ang pagpapaliban o cutting class ay hindi malilipol sa lahat ng hanay sa paaralan. Mayroon ilang estudyante na gusto nila ang cutting classes kaysa dumalo ng pagsusulit. Ito ay problema na seryoso at laganap sa paaralan.
Kalimitang nasisisi sa ganitong problema ay ang kanilang mga guro at ang asignatura nito. Ang ilang mga guro ay nagiging dahilan kung bakit sila tinatakasan ng kanilang mga estudyante. May ibang guro kasi na kung minsa’y tumitingin lamang sa pang-intelektwal na kakayahan ng mga estudyante. Wala ng pakialam kung ito’y lumiban at makasakit ng damdamin.
Dahil na rin sa mabilis na pagbabago ng mundo dahil sa teknolohiya. Mas binibigyang pansin ng ilang mag-aaral ang paglalaro ng mga computer games at nauuwi sa pagpapabaya sa pag-aaral nito.
Ang problema rin minsan sa paaralan ang nagiging dahilan upang ituon na lang sa pagliban o pagputol ng klase para mamasyal. Kakayahang pasunurin anbg mga estudyante. Mahinang pagbabantay sa mga estudyanteng lumalabas na kahit hindi pa tapos ang kanilang sesyon sa kanilang pag-aaral.
REKOMENDASYON
Paano nag-ugat ang problema ay lagging may solusyon na makikita. Ang ibinigay na mga ulat hinggil sa mga kadahilanan ng pagputlo o pagliban sa klase ay makakatulong ng malaki upang mabigyan ng karampatang solusyon.
Kinakailangang ang malawakang komunikasyon ng mga mag-aaral, magulang, guro o pamunuan ng paaralan upang mapag-usapan nila kung may problemang kinakaharap ang isa.
Sa mga mag-aaral, kinakailangang tulungan ang kanilang mga sarili. Tungo sa pag-unlad. Magagawa ito kung pagtutuunan nila ng pansin ang kanilang pag-aaral at hindi ang mga bagay na walang kabuluhan.
Sa mga magulang, kinakailangang subaybayan nila ang kanilang mga anak kung may problema bas a kanyang mga kaklase, guro o paaralan. Bigyang pansin din kung saan nilalaan ng kanilang mga anak ang kanilang baon.
Sa mga guro, nararapat na suriin ang kanilang mga sarili kung may nagawa ba silang nakasakit sa damdamin o kung napahiya ba nila ang kanilang mga estudyante. Maging mahinahon sa lahat ng oras.
Sa paaralan, gawing matibay ang pagpapalabas sa mga estudyante halu pa’ty hindi pa sila tapos sa kanilang mga klase.
BIBLIOGRAPIYA
Bondoc, Rod Xavier J.: Values Formation in High Education. National Bookstore, 2005
Borg, W.H.: Educational Research: An Introduction. New York: David Mackey, co. Inc. 2005
Buton. W.H.: The Guidance of Learning Activities, 3rd Edition, New York: Apple Century-Crofts Inc. 2005
Cadriano, Roseanne: Principles of Education. Washington D.C. Thomism Press, 2005
Carriano, K.C.: Psychology of Adolescence, English Cliffs, Prentice Hall Inc, 2004
McCelland, D.C.: Studies of Students Problems and Motives for Cutting Classes. New York Appleton-Century Crafts Inc, 2005
Symonds, P.W. and Irene, A.: The Psychological Impact of Cutting Classes, 2nd edition. New York, Longmans Green Co., 2005
Tata, M.S.: Statistics in Cutting Classes in all Lecels of Educations. New York, The McMillian Co., 2005
Thomas, I.F. and Frenando, A.M.: Contemporary Theories of Cutting Classes, Fatives behind from students, New York. The Ronald Press Co. 2006
http/www.google.com.ph
http/www.wikipedia.com
http/www.yahoo.com
http/www.encarta.com
APPENDIKS
Pangalan:____________________
Edad: _______________________
Kasarian:
□ Lalaki
□ Babae
Lagyan tsek ang bawat pipiliing sagot. Gamitin ang lubos na pag-unawa sa pagsagot.
1. Ano ang iyong katayuan sa buhay?
□ Mayaman
□ May-kaya
□ Mahirap
2. Anong uri ng eskwelahan ka pumapasok?
□ Pribado
□ Pampubliko
3. Ano ang iyong pagkaunawa sa “Cutting Class”?
□ Bisyo
□ Libangan/Katuwaan
□ Katamaran
□Masamang gawi
□Iba pa, pakilinaw _____________
4. Lumiban ka na ba sa isa man lang sa iyong klase?
□ Oo
□ Hindi
Kung oo, sa anong dahilan?
□ Wala ng interes
□ Bored
□ Mental inability
□ Inferiority complex
□ Pumasyal
□ Maglaro ng computer games
□ Iba pa, pakilinaw ____________
5. Sino ang dapat sisihin sa patuloy na pag-angat ng bilang ng mga estudyanteng nahihilig sa pagliban o pagcutting class?
□ Estudyante mismo
□ Guro
□ Magulang
□ Paaralan
□ Kapaligiran
□ Barkada
□ Iba pa, pakilinaw ___________
6. Ano ang maaaring maidulot ng pagliban o di pagpasok ng sinasadya sa klase?
□ Mahuhuli sa talakayan
□ Mababang grado
□ Pagkatanggal sa paaralan
□ Tuluyang pagkahilig dito
□ Iba pa, Pakilinaw_________
7. Ano ang maaaring alternatibong solusyon sa problemang ito?
□ Himukin ang mga estudyante sa maayos at responsableng paraan ng pag-aaral
□ Highpitan ng mga magulang ang kanilang mga anak
□ Gawing matibay ang pagpapalabas sa mga estudyante halu pa’t hindi pa oras ng kanilang uwian
□ Kausapi ng mga guro ang kanilang estudyante kung ano ba ang sanhi ng hindi pagpasok nito sa kanilang klase