thesis

TALAAN NG NILALAMAN

 

                                                                                                                                 Pahina

I.             Ang Suliranin at ang Saligang Pag-aaral Nito                                             1

a.       Panimula/Introduksyon                                                                          1

b.      Pagpapahayag ng mga Suliranin                                                            2         

c.       Pagpapahayg ng mga Layunin ng Pag-aaral                                          2

d.      Kahalagahan ng pag-aaral                                                                      2

e.       Definisyon ng mga Katawagan                                                             3

II.          Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral                                                     3

III.       Mga Pamamaraan at Paraan ng Pangangalap                                               4

a.       Deskripsyon ng pinagmulan ng datos at sample                                    4

b.      Sabjek                                                                                                    4

c.       Paglalarawan ng Instrumentong Kagamitan                                          5

d.      Pag-iipon ng Datos                                                                                5

e.       Estatikong Pagtrato                                                                               5

IV.       Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos                               5-7

V.          Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon                                                     7

a.       Buod                                                                                                      7

b.      Kongklusyon                                                                                          8

c.       Rekomendasyon                                                                                                9

BIBLIOGRAPIYA                                                                                                    10

APPENDIKS                                                                                                             11

 

 

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG SALIGANG PAG-AARAL NITO

 

 

PANIMULA

 

            Sa nakalipas na panahon, ang pagkahilig nating mga Pilipino sa edukasyon ay unti-unti ng bumababasa kasalukuyan. Sa ngayo’y alam nating lahat na isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap n gating bansa ang tungkol sa edukasyon. Bakit? Dahil ayon sa mga guro ilan sa mga mabubuti na tayo’y kailangan mamili sa mataas na presyo at ang iba ay tungkol sa bayaran ng matrikula, dagdagan pa ang ugaling lakas na loob ng pagpapaliban sa klase ng karamihan estudyante sa sekondarya.

            Paano mahahadlangan ng gobyerno ang mga problemang ito sa edukasyon? Bakit o kung bakit ang pamahalaan maaring gumawa ng libreng eskwelahan para sa mahihirap? Bakit ang gayong uri ng estyudyante ng sekondarya ay gumagawa ng pagpaliban sa klase.

            Ang pagpapaliban sa klase ay problema nang hanay sa edukasyon na nananawagan para sa katiyakan at pagpayo upang matulungan ang mga estudyante na maayos ang kanilang sarili para sa kahilingan at ang kapaligiran ng paaralan; upang tulungan sila na pumili nang mahusay na layunin sa edukasyon na programa para sa kanilang abilidad at kakayahan. Ang mga estudyante kailangang tulungan na madevelop ang nakanais- nais na pag-aaral at kaugalian upang sila ay magsikap sa pag-buo ng kanais nais na abilidad at kapasidad. Ang mga ito’y nakakatulong uapng ang bawat isa’y maaaring tulungan na mabuhay ng mabuti, matapat, mapakinabangan at masayang buhay ayon sa kanyang katangian at kagustuhan, at upang ayusin ang kanyang sarili ng tama para sa kanyang sarili at sa iba. Ang pag-aaral ng maayos ay lubos na napakahalaga sa bawat isa upang matamo ang karunungn, kahusayan at kilos na naaayon sa tama at katiyakan.

            Itong sulatin na ito maaaring subukin na ipakahulugan ang paksa sa pinakalimitadong paraan na manatiling kailangang-kailangan para sa araw-araw.

 

PAGPAPAPAHAYAG NG MGA SULIRANIN

 

            Ang pag-aaral na ito ay maaaring subukin at tangkain na ibigay ang madali at maayos na mag-aalisa ng estudyante sa paggawa ng pagpapaliban sa klase. Ang pananaliksik ay tatangkain na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

a.       Ano ang kadahilananng pagpapaliban ng mga estudyante sa kanilang klase?

b.      Paano ang problemang ito malutas?

c.       Maari ang problemang ito’y makaapekto sa mga pagtupad ng mga tungkulin at gampanin ng mga estudyante?

 

PAGPAPAHAYAG NG LAYUNIN NG PAG-AARAL

 

            Ang pag-aaral na ito ay may layuning maisagawa ang mga sumusunod:

Una, upang pahinahin ang loob ng mga estudyante na hindi ugaliin o gawin ang pagpapaliban sa klase.

Ang mga guro dapat ipatupad ang uri ng disiplinang dapat isagawa sa mga estudyanteng lumiliban sa klase.

Ipaalam sa mga estudyante ang sinumang gumawa nito maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang perpormasyon sa kanilang pag-aaral.

Turuan ang mga estudyante na ang pagpapaliban sa klase ay maling gawain na maaaring mabigyan ng alternatibong solusyon.

At ang huli’y himukin ang mga estudyante sa mabuti at maayos at responsableng pamaraan sa pag-aaral.

 

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

 

            Ito ay binibigyang-diin na ang pagpapaliban sa klase ay nagpapalubha sa masamang kondisyon ng mga estudyanteng nagsasanay dito. Ang pag-aaral na ito ay siyang ginawa para sa mga estudyante, maunawaan ng mabuti paano ang problema makaapekto sa bawat estudyante. Ang mga guro at mga magulang maaring makatulong sa bawat isa na maresolba ang problema.

            Ang mananaliksik nag-aalaala sa mga estudyante na ilagay at bigyang pansin ang kahalagahan ng edukasyon. Ito’y nagbigay sa kanila ng kasiyahan, kapayapaan at inspirasyon sa kanilang pag-aaral kapag iwasan nila ang kasong tulag nito.

 

DEFINISYON SA MGA KATAWAGAN

 

            Cutting Classes- isang gawain ng mga estudyante para ipagpatuloy ang sesyon sa klase na ibinigay na hindi tinutupad ng mag-aaral bagkus sila’y hindi na pamupasok kahit may klase pa.

            Estudyante- isang indibidwal na nag-aaral sa isang paaralang pang-edukasyon.

            High School- sekondaryang pag-aaral, baiting pagkatapos ng elementarya o bago ng kolehiyo.

            Klase- isang sesyon ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan

            Curriculum- isang hanay ng mga sabjeks o ang pagbabatayan sa pag-aaral ng mga mag-aaral

            Guro- isang taong huhubog sa intelektwal na kakayahan kasama rin ang moral na kilos

 

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

 

           

Ang pag-aaral na ito ay nakukuha mula sa iba’t ibang libro at literature. Samakatuwid, sa pahinang ito makikita at mababanggit ang ilan sa kanilang mga nagawa na may kaugnay sa pag-aaral.

            Sa ilang porsyon ni A.A. Robach sa kanyang “Psychology of character” kaugnay sa edukasyon. Sa kanyang pahayag: “Ang pagpapaliban sa klase ay hindi sinasadya rekasyon ng estudyante pero ugat sa problemang psaykolohikal na ang kanyang sarili ay ang tanging nakakaalay nito.”

            Pero sa pananaliksik, ang libro ni M.V. Sengoe sa kanyang Educational Psychology na kanyang nilalahad, “Ang pag-iwas o pagputol sa klase ng estudyante ay maraming kadahilanan na naiugnay na isa rito ay ang pagkairesponsable ng isang guro.”

            Mababasa rin sa artikulo ni J.M. Best pinamagatang Educational Research: An Introduction na magpagulo sa personal at psaykolohikal na problema ng estudyante sa palagi gumawea ng pagpapaliban o paghinto sa klase.

            Sa karagdagang pagsusuri ng literature, mababasa sa artikulo na isinulat ni Gen. L.F. Cain na nagsasabi: “ang pagpaliban sa klase ay hindi aksidente pero nangunguna sa seryosong problema ng eskwelahan na maaaring pasamain ang interes ng estudyante sa kanilang kanya-kanyang asignatura o pag-aaral.”

            Sa libro din ni L.M. Terman na nagsasabing mental and physical Traits sa isang libong matatalinong bata, Genetic Studies of Genuis, Vol. 1 taong 1925 na binigyang atensyon ng mga guro tungkol sa pag-iwas nang pagpapahina ng loob/pag-uugali ng ilang estudyante para sa pagpapaliban ng klase araw-araw.

 

KABANATA III

ANG PAMARAAN AT PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

 

Descripsyon ng Pinagmulan ng Datos at Sample

Ang mananaliksik ay gumawa ng mga palatanungan at interbyu. Kumalap din ng mga datos at impormasyon sa iba’t ibang silid-aklatan na makikita sa Metro Manila tulad ng Phil. National Library. Ang mga sipi at literature ay kinalap din ng mananalik sa iba’t ibang personalidad.

 

SABJEK

            Ang mananaliksik ay pumili ng dalawangpung tao bilang kanyang respondents na kanyang pinili sa iba’t ibang seksyon sa ika apat na taon sa Mataas na Paaralang Lakan Dula. Ang dahilan ng hindi pagkakasunod ng pagpili ay upang makakuha ng totoo at makatarungang respondents na makapagbibigay ng kanilang persepyon sa problema.

 

PAGLALARAWAN NG INSTRUMENTONG KAGAMITAN

            Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik ay mga palatanungan na kailangang sagutan ng mga respondents. Ang palatanungan ay ginawa ng “close ended format” para sa direktang masagutan ng respondents

 

PAG-IIPON NG DATOS

            Pagkatapos makapili ng mga respondent, ang mananaliksik ay sinubukang humingi ng tulong sa kanila at kung maaari silang maglaan ng kaunting oras. Bukas ang loob naming nakipagtulungan ang mga respondents sa pamamagitan ng pagsagot sa mga palatanungan.

 

ESTATISTIKANG PAGTRATO

            Sinuri ng mananaliksik ang datos sa pamamagitan ng paggamit ng percentage method o pag-aanalisa ng isang parte hanggang sa kabuuan

                        Percentage(%) = frequency/no. of respondents

 

KABANATA IV

PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

 

 

Halos kalahati o 55% ng sumagot ay nakikita an gang pagliban o pagputol sa klase na isang bisyong mahirap tanggalin samantala kakaunting 5% nito’y naniniwala na ito’y isang libangan o katuwaan lamang

Sa madaling salita, naniniwala ang nakakarami na ang pagliban sa klase ng sinasadya ay nagiging isa ng bisyo na hindi mapipigilan bagkus magpapatuloy pang muli’t muli.

 

 

Humigit kalahati o 60% ng sumagot ay naniniwalang ang dapat sisihin sa ganitong problema ay ang mga estudyante mismo at walang pumili sa mga magulang at paaralan na dapat sisihin sa ganitong problema.

      Maliwanag na pinapakita na ang mga estudyante o sila mismo ang puno’t dulo ng problema. Nasa kanilang mga kamay kung ito’y sosolusyonan o patuloy sa maling gawain.

 

 

45% ng mga respondent ay naniniwalang ang cutting class ay magdudulot ng masamang epekto sa kanilang grado at halus walang naniniwala n gang pagputol sa klase ay maaaring magdulot ng pagkatanggal sa eskwelahan.

      Pinapakita nito na alam ng mga respondent na masama ang dulot nito ngunit tila bagang wala silang pakialam ukol ditto.

 

 

Karamihan o 40% ng mga respondent ay naniniwalang ang karampatang solusyon sa ganitong problema ay ang pagiging mahigpit na seguridad ng paaralan at ang pinakamakonting porsyento 15% ay na naniniwlang nasa kamay ng mga magulang ang solusyon sa problema.

      Mahihinuha rito na naniniwla silang kung matibay at bukas mata ang seguridad sa pagpapalabas sa paaralan ng mga estudyanteng hindi pa tapos ang sesyon ng pag-aaral ay walang mangyayaring cutting classes.

 

 

 

KABANATA V

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

 

BUOD

 

            Sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano matutupad ang pahayag na ito ni Dr. Jose Rizal kung ang mga mag-aaral ay nawawalan na nang ganang mag-aral. Natutuon ang kanilang isipan sa mga bagay na hindi makatutulong sa paghubog sa kanilang sarili. Ang mga magulang ang tagapaghubog sa kanilang mga ank ngunit paano nila ito maisasagawa kung sa sariling tahanan ay may suliraning nagaganap. Ang mga guro na huhubog sa moral at mental na kakayahan ng bawat estudyante ay siya pang nagbibigay ng lakas ng loob na takasan sila ng kanilang mga estudyante at siya lamang pagbabalewala sa ganitong problema.

            Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang ilan sa kadahilanan ng pagliban o pagputol sa klase ng mga ika-apat na taon sa Mataas na Paaralang Lakan Dula. Tulad ng kawalan ng interes, mental inability, inferiority complex, pagpapasyal sa mga malls at paglalaro ng mga computer games. Nakalahad din dito ang ilang mga solusyon sa paglutas sa ganitong kalalang problema. Kasama rin ang ilang pag-unawa sa paglaban o pagputol sa klase at higit sa lahat ang masamang idudulot kapag hindi nabigyan ng karampatang solusyon hindi lamang sa mga estudyante bagkus sa paaralan, guto at magulang nito.

            Sa banding huli ipinalalagay na may malaking pananagutan ang mga magulang, mag-aaral at ang mga opisyal ng paaralan sa pagsimula at pagwawakas ng ganitong uri ng suliranin.

           

KONGKLUSYON

 

            Ang pagpapaliban o cutting classes ay isang uri ng sakit sa ugali ng estudyante, asal, hangad at pagkatao higit sa lahat. Ang katotohanan, ito ay sibolo ng hindi tapat, hindi nasiyahan, at kulang sa sariling pagmamahal. Ito ay nagpapahayag nang walang interest para sa mga mag-aaral sa dako ng asignatura o sa dako ng mga guro. Ang pagpapaliban o cutting class ay hindi malilipol sa lahat ng hanay sa paaralan. Mayroon ilang estudyante na gusto nila ang cutting classes kaysa dumalo ng pagsusulit. Ito ay problema na seryoso at laganap sa paaralan.

            Kalimitang nasisisi sa ganitong problema ay ang kanilang mga guro at ang asignatura nito. Ang ilang mga guro ay nagiging dahilan kung bakit sila tinatakasan ng kanilang mga estudyante. May ibang guro kasi na kung minsa’y tumitingin lamang sa pang-intelektwal na kakayahan ng mga estudyante. Wala ng pakialam kung ito’y lumiban at makasakit ng damdamin.

            Dahil na rin sa mabilis na pagbabago ng mundo dahil sa teknolohiya. Mas binibigyang pansin ng ilang mag-aaral ang paglalaro ng mga computer games at nauuwi sa pagpapabaya sa pag-aaral nito.

                        Ang problema rin minsan sa paaralan ang nagiging dahilan upang ituon na lang sa pagliban o pagputol ng klase para mamasyal. Kakayahang pasunurin anbg mga estudyante. Mahinang pagbabantay sa mga estudyanteng lumalabas na kahit hindi pa tapos ang kanilang sesyon sa kanilang pag-aaral.

           

REKOMENDASYON

 

            Paano nag-ugat ang problema ay lagging may solusyon na makikita. Ang ibinigay na mga ulat hinggil sa mga kadahilanan ng pagputlo o pagliban sa klase ay makakatulong ng malaki upang mabigyan ng karampatang solusyon.

            Kinakailangang ang malawakang komunikasyon ng mga mag-aaral, magulang, guro o pamunuan ng paaralan upang mapag-usapan nila kung may problemang kinakaharap ang isa.

            Sa mga mag-aaral, kinakailangang tulungan ang kanilang mga sarili. Tungo sa pag-unlad. Magagawa ito kung pagtutuunan nila ng pansin ang kanilang pag-aaral at hindi ang mga bagay na walang kabuluhan.

            Sa mga magulang, kinakailangang subaybayan nila ang kanilang mga anak kung may problema bas a kanyang mga kaklase, guro o paaralan. Bigyang pansin din kung saan nilalaan ng kanilang mga anak ang kanilang baon.

            Sa mga guro, nararapat na suriin ang kanilang mga sarili kung may nagawa ba silang nakasakit sa damdamin o kung napahiya ba nila ang kanilang mga estudyante. Maging mahinahon sa lahat ng oras.

            Sa paaralan, gawing matibay ang pagpapalabas sa mga estudyante halu pa’ty hindi pa sila tapos sa kanilang mga klase.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BIBLIOGRAPIYA

 

Bondoc, Rod Xavier J.: Values Formation in High Education. National Bookstore, 2005

Borg, W.H.: Educational Research: An Introduction. New York: David Mackey, co. Inc. 2005

Buton. W.H.: The Guidance of Learning Activities, 3rd Edition, New York: Apple Century-Crofts Inc. 2005

Cadriano, Roseanne: Principles of Education. Washington D.C. Thomism Press, 2005

Carriano, K.C.: Psychology of Adolescence, English Cliffs, Prentice Hall Inc, 2004

McCelland, D.C.: Studies of Students Problems and Motives for Cutting Classes. New York Appleton-Century Crafts Inc, 2005

Symonds, P.W. and Irene, A.: The Psychological Impact of Cutting Classes, 2nd edition. New York, Longmans Green Co., 2005

Tata, M.S.: Statistics in Cutting Classes in all Lecels of Educations. New York, The McMillian Co., 2005

Thomas, I.F. and Frenando, A.M.: Contemporary Theories of Cutting Classes, Fatives behind from students, New York. The Ronald Press Co. 2006

http/www.google.com.ph

http/www.wikipedia.com

http/www.yahoo.com

http/www.encarta.com

 

 

 

 

 

 

APPENDIKS

 


Pangalan:____________________

Edad: _______________________

 

Kasarian:

   Lalaki

   Babae



            Lagyan tsek ang bawat pipiliing sagot. Gamitin ang lubos na pag-unawa sa pagsagot.

 

1.      Ano ang iyong katayuan sa buhay?


   Mayaman

   May-kaya

   Mahirap


2.      Anong uri ng eskwelahan ka pumapasok?


   Pribado

   Pampubliko


3.      Ano ang iyong pagkaunawa sa “Cutting Class”?


   Bisyo

   Libangan/Katuwaan

   Katamaran

Masamang gawi

Iba pa, pakilinaw _____________


4.      Lumiban ka na ba sa isa man lang sa iyong klase?


   Oo

   Hindi


Kung oo, sa anong dahilan?


   Wala ng interes

   Bored

   Mental inability

   Inferiority complex

   Pumasyal

   Maglaro ng computer games

   Iba pa, pakilinaw ____________


5.      Sino ang dapat sisihin sa patuloy na pag-angat ng bilang ng mga estudyanteng nahihilig sa pagliban o pagcutting class?


   Estudyante mismo

   Guro

   Magulang

   Paaralan

   Kapaligiran

   Barkada

   Iba pa, pakilinaw ___________


6.      Ano ang maaaring maidulot ng pagliban o di pagpasok ng sinasadya sa klase?


   Mahuhuli sa talakayan

   Mababang grado

   Pagkatanggal sa paaralan

   Tuluyang pagkahilig dito

   Iba pa, Pakilinaw_________


7.      Ano ang maaaring alternatibong solusyon sa problemang ito?

   Himukin ang mga estudyante sa maayos at responsableng paraan ng pag-aaral

   Highpitan ng mga magulang ang kanilang mga anak

   Gawing matibay ang pagpapalabas sa mga estudyante halu pa’t hindi pa oras ng kanilang uwian

   Kausapi ng mga guro ang kanilang estudyante kung ano ba ang sanhi ng hindi pagpasok nito sa kanilang klase


 

DALUYONG-pagsusuri sa isang nobela

PAMAGAT:

 

 

 

 

Ang May-akda

 

 

 

Si (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

 

Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.

 

      LINO- dating bangkero ng isang asyenda, na nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa sa tulong ni Padre Amando Echevarnia

      PADRE AMANDO- nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Tumulong kay Lino at sa anak nito.

      MS. LORETO SANCHEZ- pamangkin ni Padre Amando at punung-guro sa eskwelahan sa Pinyahan. Kumupkop kay Ernesto

      ERNESTO- anak ni Lino sa pagkabinata

      BIDONG- katiwala ni Lino sa kanyang bukid at kasintahan ni Huli

      HULI- anak ni ALing Barang at Mang Abeng at kasintahan ni Bidong

      ALBINO- katiwala ni Don Tito sa kanyang bakahan at matalik na kaibigan ni Lino

      DON TITO- isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system

      DR. BENIGNO (BENEG) SITYAR- anak ni Don Tito na tumatakbo sa pagkagobernador

      DIDANG-  babaing taga-maynila na napadpad sa Maruhat at kasintahan ni Lino

      ALING HUWANA- balong babae na kumupkop kay Didang

      ALING BARANG- ina ni Huli

      ALING BASILIA- ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni Padre Amando

      ATTY. MARCELO LIGON- abugado ni Padre Amando

      SALINA, MINA, AT BEBA- mga kaibigan ni Ms. Sanchez

 

 

            Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya.

            Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.

            Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na rito si Don Tito.

            Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.

            Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.

            Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.

            Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.

            Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.

            Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.

            Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.

            Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga ito.

            Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita.

            Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil ditto, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino.

 

 

 

 

            Sunud-sunod ang paglalahad ng pangyayari sa nobelang daluyong. Madaling mahuli ng mga mambabasa ang magiging wakes ng kuwento. Nagiging mabilis ang daloy ng mga pangyayari sapagkat hindi masyadong masalimuot ang paglalahad. Ang bawat tauhan ay nakapagpaliwanag ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga binanggit na pahayag sa nobela. Nailarawan din ang mahahalagang tagpo o eksena sa tamang lokasyon o tagpuan.

 

REALISMO

      pinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at pahlalarawan ng mga bagay, tao at lipunan. Halimbawa ay ang paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.

KLASISMO

      sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa damdamin ng kanyang pinasyang iwasan si Ms. Sachez dahil sa naisip niyang alangan siya dito.

 

 

  • Gumamit ang may akda ng mga simbolismo tulad ng daluyong o malaking alon para magbigay katanungan sa mambabasa kung paano magkakaugnay ang isang daluyong na ginamit bilang pamagat ng nobela sa kwento ng nobela
  • Pinapakita ng isang daluyong ang isang patuloy na pag agos ng alon sa buhay ng isang tao. Hindi kailanman humihinto o tumitigil ang pag alon nito, minsa’y mapanganib minsa’y hindi, minsa’y mahina at minsa’y napakalakas

 

 

 

Pagtutulad/Simili

  • “Ang kanyang mga ngiti ay tulad ng isang makinang na bituin sa isang malalim na gabi”

-Lino-

  • “Animo’y bulkang pumutok sa galit si Lino ng kanyang nalaman ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan na si Bidong ng siya’y tumakas sa asyenda ni Don Tito”

-Padre Amando-

PAGWAWANGIS/METAPOR

  • “”Pulot sa tamis ang pananalita ng aking irog”

-Didang-

  • “Ang mga payo ni Padre Amando ay siyang tulay sa aking maliwanag na isipan”

-Lino-

PERSONIPIKESYON

  • “Ang buwan ang magiging saksi sa ating pagsusumpaan at pag-iibigan”

-Bidong-

PAGMAMALABIS

  • “Pumuti na lahat ng buhok ko sa pamomnobrema sa batang iyan!”

-Aling Barang-

 

 

 

      namanhid ang buong katawan ni Lino sa nalamang niya sa kanyang matalik na kaibigan

      Dadaan ka sa butas ng karayom kung patuloy mo siyang mamahalin

      Hugas kamay si Don Tito sa pagpatay kay Bidong

      Wala kang kaluluwa Don Tito!

      Tuloy-tuloy na ang pagbaha ng dugo

      Hindi malikot ang kamay ko! Ginamit ko ang ninakawa ko para sa mga mahihirap

 

 

BISA SA ISIP:

      Maraming bagay ang naging bago sa aking isipan o mga nalalaman ko na ngunit hindi ko pa maintindihan. Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mgha ganid na taoSa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

 

BISA SA DAMDAMIN

    ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay halu-halong damdamin mula sa umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa mga tauhang nagsiganap sa nobelang ito. Paghanga kay Padre Amando sa kanyang pinakitang kabaitang loob na pagtulong sa mga magsasaka, pagkainis kay Lino sa kanyang pagpili ng kanyang isipan kaysa sa kanyang nadaramang pagmamahal kay Ms. Sachez, pagkagalit kay  Don Tito dahil sa pagkagahaman nito at kasamaang loob nito at malungkot sa nangyaring pagmamahal ni Ms. Sachez kay Lino.

 

BISA SA KAASALAN

      tunay ngang ang nobelang ito ay may magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan.

 

 

 

      Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mgha ganid na tao

      Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito

      Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

 

 

 

 

       

 

Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang mga kuwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang tagpo nang sa gayo’y ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.

             Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.

            Mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng panghihikayat sa aking mga kaibigan, kaklase, magulang, kapamilya, at sa mga kaibigan ng king mga kapamilya at magulang na basahin ang nobelang ito. Kaya nais kong ipamahagi ito sa lahat ng sa gayo’y maintindihan nila ang nais ipahatid nito sa lipunan, Sa mga may kapangyarihan at sa mga taong naaapi. Ipapahiram ko rin itong aklat na ito sa mga taong nais magbasa nito.

            Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan. Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. “Walang lihim na hindi nabubunyag.” “Habang may Buhay ay may Pag-asa”. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

lalaki sa dilim

I.      PAMAGAT:

II.    ANG MAY-AKDA

Sa pagbasa ng isa sa kanyang mga nobela na pinamagatang “Ang Lalaki sa Dilim” ay nag bigay ng ilang patungkol sa kanyang buhay.Ipinanganak si  noong Enero 16, 1928 sa araw ng Lunes, pumanaw naman ito noong Hulyo 31, 1997. Taong 1953 naman ay inilabas ang kanyang maikling kwentong pinamagatang “Ang kalupi” o tinatawag ngayong “pitaka”, madalas ito mapabilang sa mga textbook o antolohiya. Tungkol ito sa batang napagkamalang nagnakaw ng kalupi. Madami ng librong nagawa si Benjamin Pascual tulad ng “Lamok sa Loob ng Kulambo” (1984) , “Babaeng Misteryosa”, “Landas ng Bahaghair” (1965), “Di ko Masilip ang Langit” (1981), “Tuta ng Tuta” (1972). Sa kasamaang palad, hindi nakapag tapos si Pascual sa kursong Journalism sa Far Eastern University, pinatunayan niyang may talento at talino siya sa pagsusulat kahit nag sisimula pa lamang manimbang sa pampaaralang babasahin gaya ng The advocate (FEU).

Sinubukang magsulat ni Pascual ng ilang kwentong Ingles, ngunit sa mga pahanong iyon, halos anim sa mga nagawa niya ang hindi nakapasa, ito ang labis na nakapag pahirap sa kanya, dahil dito naisipan niyang huminto sa pag sulat ng Ingles, imbis hinarap niyang mag sulat sa sariling wika. Dahil sa talento at talino ni Pascual sa pag sulat, napabilang na siya bilang isang manunulat at naging editor ng Liwayway. Nakipag sabayan siya sa ilang sikat na manunulat at napansin ang ilang kanyang nagawang kwento. Nag daan ang mga buwan na lagi siyang may nagagawang kwento, dalawang kwento sa isang buwan. Masasabi nating nag tagumpay si Pascual dahil sa natatamong kasaganahan sa buhay niya. Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor ng popular na Valentine Romances.

III. MGA TAUHAN

·        RAFAEL

Ø     Siya ang lalaki sa dilim

·        LIGAYA

Ø     Ang babaeng bulag na pinagsamantalahan ni Rafael

·        LUCAS

Ø     Kaibigan ni Rafael

·        MARGARITA

Ø     Asawa ni Lucas

IV.  BUOD NG NOBELA

       Sa una ay maaaring sabihin ng nakararami na macho at nangingibabaw ang lalaki sa Lalaki sa Dilim. Si Rafael ang sentro ng kuwento. Mayaman, edukado, ophthalmologist, tomador, at higit sa lahat, babaero. Samantala’y parang mahihina ang kalagayan ng mga babae. Pinakamatingkad si Ligaya, ang bulag, di-nakapag-aral, at biktima ng gahasa.Puwedeng idagdag na ang talinghaga ng liwanag ay nasa panig ng lalaki. Samantalang karimlan ang naghahari sa panig ng babae.

                Isang mahusay na ophthalmologist si Rafael ngunit nabulag ang kalooban dulot ng panlalaki ni Margarita (asawa ni Rafael) at ng pagtataksil ni Nick (asawa ni Marina at matalik na kaibigan ni Rafael). Nabulag din si Rafael sa panggagahasa kay Ligaya, at kaya nagpipilit na alisin ang bagay na kumukonsensiya sa kalooban. Mahilig din sa hostes (puta) si Rafael. At hindi niya namamalayang iyon ang bumubulag sa kanyang pandama upang masagap ang iba pang mahahalagang bagay sa daigdig. Maging sina Don Benito (mayamang ama ni Rafael) at Mr. Carrasco (ama ni Margarita) ay kapwa bulag din sa pangyayaring ang kanilang mga anak na nag-asawa ay mag-asawa lamang sa turing.

                Si Ligaya, bulag  sa aspektong pisikal ay maliwanag naman ang isip at loob hinggil sa pagbangon sa nangyaring karahasan. May pag-asa siyang makapag-aral muli, makapaghanap na matibay na ikabubuhay, at makatayo sa sariling mga paa. Bukod pa roon ang malinaw na pagpupunyagi na palakihin nang maayos ang anak na bunga ng gahasa, at ang pagtutol sa iminumungkahing aborsiyon ni Rafael. Si Marina (asawa ni Nick at kaibigan ni Rafael), na dating kaawa-awa ang kalagayan, ay dinapuan din ng suwerte dahil kahit inaabuso ng asawa ay nagpasiyang iahon sa lusak ang mga anak, ganap na hiwalayan ang asa, hanggang sukdulang paslangin ang magkaluguyong Nick (asawa ni Marina) at Margarita (asawa ni Rafael) upang ibangon ang puri. Si Aling Sela (ina ni Ligaya) ay natitiyak din na sumasagisag sa liwanag, bagaman maralita ay maalam sa buhay, handang magsakripisyo upang mabigyan ng kinabukasan ang mga anak, at siyang naging matibay na gabay ni Ligaya sa hirap man o ginhawa.

                Maging ang tagpo ng mga pangyayari ay puno ng matinding salungatan. Mayaman man ang panig ni Rafael at iba pang lalaki ay puno naman ng pighati at pasakit. Sa kabilang dako’y kahit salat sa pananalapi ang panig ni Ligaya’y maligaya’t malinaw ang gustong tahakin sa buhay. Nagbago rin ang dating barumbarong at naipaayos dahil sa perang ipinambayad sa nilikhang dahas at gahasa. Ang klinika ni Rafael na pangunahing paggagamutan ng mga bulag na pasyente ay naghunos na madilim na yungib ng nasabing tauhan para sa kanyang paglilinis kasalanan. Ang sanggol na ibig ipalaglag ni Rafael ay sa dakong huli’y nagdulot pa ng kagalakan sa kanya.

                Sa dulo’y mababatid na ang pisikal na pagkabulag ni Ligaya ang siyang nagbigay liwanag sa katauhang-dilim ni Rafael. Nagwakas lamang ang siklo nang kapwa luminaw ang paningin nina Rafael (dahil sa pag-ibig) at Ligaya (dahil sa matagumpay na operasyon). Samantala’y nagsanib din ang dalawang lunan na kinakatawanan nina Rafael (maykaya) at Ligaya (maralita) at nagluwal iyon ng bagong pag-asa sa dalawang tauhan.

A.    

Tuluy-tuloy ang mga pangyayari mula sa simula hanggang wakes. Sa ganitong istilo, mahuhuli ng mga mambabasa ang magiging wakes ng kwento. Sa ganitong istilo rin ay magiging mabilis ang daloy ng mga pangyayari sapagkat hindi gaanong masalimuot ang paglalahad

B.    

ang nobela ay isang ekonomikal sapagkat nilalahad nito ang mga problema sa lipunan halimbawa na lang ay ang patuloy na panggagahasa sa mga kababaihan. Ito rin ay tumatalakay sa mga maseselang bahagi sa lipunan: ang pagtaas ng mga asawang nahahantong sa paghihiwaayan

C.    

NATURALISMO- sapagkat inilalarawan ang kalikasan ng tao ayon sa kanyang kapaligiran at karanasan

REALISMO- sapagkat inilarawan ng nobela ang buhay sa katotohanan at binibigyang pansin ang makatotohanang paglalahad at paglalaeawan ng mga bagay-bagay, tao at lipunan

D.   

          masasabi kong puso sapagkat kahit na binalak ng babaeng si Ligaya na maghiganti ay hindi niya napigilan ang tinitibok ng kanyang puso, naglaho ang galit, at poot sa kanyang damdamin at napalitan ng pagmamahal at maging si Rafael ay hindi ein napigilan ang bugso ng damdamin at bagkus ay ipinaglaban ang damdamin

E.    

PAGWAWANGIS

            “Sisiw lang ang nanay ko kumpara sa agilang mama mo”

PAGTUTULAD

            “Parang napakainit ng hangin ang lumabas sa ilong ni Rafael

F.      

Ø     namanhid ang buong katawan ni Lucas sa narinig

Ø     magkadugo tayo

Ø     hindi napigil ni Rafael ang pag-igkas ng palad niya sa mukha ng dalaga

G.   

ISIP

Ø     nagtatalo ang isipan ni Radael kung sasabihin ba niya kay Ligaya ang pagkakamaling nagawa niya dulot ng kalasingan

DAMDAMIN

Ø     nagging nakakaantig ng paglalahad nito mula ng magkita at malaman ni Ligaya na si Doktor Rafal ang ama ng kanyang anak kaya nagging kapanabik-panabik ang tagpo

ASAL

Ø     malaki ang nagging dulot na pagbabago nito sa aking ugali sapagkat nalaman kong hindi lahat ng maling Gawain ay puro masama ang intension nito bagkus para pa nga sa ikabubuti ng iba

VI.

         Sa pagtahak ko sa nobelang ito masasabi kong isang magandang uri ito sapagkat nagging maganda ang paglalahad nito at nakakapukaw ng damdamin sa mga mambabasa. Ito’y nagtataglay ng pagsasalaysay na higit na malawak kaysa sa isang kwento. Naging maganda ito sapagkat binigyang diin ditto ang dignidad ng isang babae at responsibilidad ng isang lalaki.